Bakit hindi holiday ang June 12? Araw ng Kalayaan ngayon. Bakit first day of school sa U.P.? Bakit may pasok?
Ang traffic tuloy. Marami kasing flag-raising ceremony (sa village namin nga meron), fireworks display, etc. Alangan naman kasing porke June 11 ang walang pasok, June 11 alalahanin ng mga Pilipino ang Independence Day?
Ang labo.
At siya nga pala, nailibing na ang amendments sa U.P. Charter na pinagdiwang ko kamakailan. Back to square one. Hindi pumasa sa Congress. Holiday yata ang mga kongresista kaya walang quorum kuno. Hindi lang nila priority kamo. Buti pa ang Senado, nagtrabaho, ang Kongreso hay naku. Basahin niyo ito, speech ni Kiko.
Kawawa naman ang mga propesor sa U.P. Kung sabagay, sa langit din ang kanilang reward niyan, sa laki ng sakripisyo nila.
Atsaka anong meron sa araw na ito? Sa loob ng 24 oras, nakatanggap ako ng mga ganitong balita mula sa mga kaibigan ko - may namatayan, iniwan ng boyfriend, kinasuhan ng asawa, may problema sa magulang, muntik nang makunan, nagmana ng kaso ng kapatid, kailangan ng blood donor, at kung anu-ano pa. Hindi na nga ako makapaniwala nung gabi eh. Nakakapraning nang magbasa ng text na nagsisimula sa "Please pray for..." Kasi, ang tindi ng mga disaster ngayong araw na ito.
E kung holiday ba ngayong June 12, e di hindi siguro nagpatung-patong ang mga ganitong balitang parang pang-telenovela sa komplikasyon.
Malamang tumitig lahat ng Pilipino sa TV at nagkaisang muli sa pagtatanong, bakit nga ulit tayo nagdiriwang ng Araw ng Kalayaan?
Diyan tayo magaling, kapag may common enemy. Pag humupa na ang galit, kanya-kanya na ulit.
Kasama ako diyan sa mga ganyang mamamayan. Ang labo ko rin minsan.
No comments:
Post a Comment