Dahil centennial ng U.P. at di ko napanuod ang fireworks nung kickoff dahil sa work, at dahil brain freeze na ako at overtime sa dami ng work, sasagutin ko na lang ang islambook questions para sa mga Iskolar ng Bayan na galing sa blog ni Ted.
1. Student number?
91-06012 (first question pa lang, buking na ang edad)
2. College?
School. of Economics.
College of Law.
3. Course?
Business Economics
Law
4. Nag-shift ka ba o na-kickout?
Muntik na. Pareho. Haha.
5. Saan ka kumuha ng UPCAT?
U.P. Diliman :)
6. Favorite GE subject?
Humanities I under Prof. Tess Isidro. (reaction lang kay Ted, nung panahon namin hindi na G.E. ang Psych 101. But I liked it as well.)
7. Favorite PE?
Swimming
Social Dance
8. Saan ka nag-aabang ng hot girls/guys sa UP?
Sa Eng'g. :D
9. Favorite prof(s)
Hmm. Hirap nito...
Prof. Tess Isidro,
sa Econ sorry wala,
sa B.A. Prof. Emerlinda Roman
sa Law, Prof. Albert Muyot, Prof. Jacinto (Corpo), Prof. Theodore Te (na hindi ko teacher, Supervising Lawyer instead)
10. Pinaka-ayaw na GE subject.
Wala. GE lang nagpahila ng subjects ko eh. Ay teka baka P.E. I. Na pinilahan ko ng DALAWANG ARAW, 5 am start ng 2nd day ko, para makapag-enlist.
11. Kumuha ka ba ng Wed or Sat classes?
Nung undergrad hindi. Sa law school oo, required na eh.
12. Nakapag-field trip ka ba?
Ahh yes! Lucban, Quezon for the Pahiyas Festival (sit in sa summer class ng kapatid ko, Hum yata)
Cavite, Batangas, Laguna, Rizal area for my summer P.I. 100 (Rizal course) class.
Di ako umattend sa field trip sa Environmental Law class ko, ayun 3.0 tuloy binigay sakin.
13. Naging CS ka na ba or US sa UP?
Yes, those were the days.
14. Ano ang Org/Frat/Soro mo?
Christ's Youth in Action (CYA)
Economics Society (ECOSOC)
Organization of Business Economics Majors (OBEM)
U.P. School of Economics Student Council
CYA-Law
Women in Law
UP Law Student Government (org ba 'to? basta...)
Gabay (a Malcolm-based political party )
Sidhi newsletter
Haraya yearbook (na never lumabas)
Meron pa pero di ko maalala at present.
15. Saan ka tumatambay palagi?
Undergrad - Sa tambayan ng Masci Batch '91, na naki-squat lang sa tambayan ng isang frat at ng Sangkamalayan (vinandalize pa namin iyong tambayan name nila into SangkaMaScian), sa may steps ng former Registrar katapat ng A.S. at katabi ng CASAA; nung 3rd-4th year Econ lobby lang
Law - library! Para magpa-xerox at chumika.
16. Dorm, Boarding house, o Bahay?
Nag-rent ng room shared with a blockmate, nag-apartment with 4 blockmates, pero mostly, bahay, in my 8 years in U.P.
17. Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano yun (Given ang mentality mo nung HS ka)?
Law, wala nang pre-law.
Piano/ Music
Journalism/ or Creative Writing
So bakit ako nag-Econ? E kasi. Quota course, na mataas daw passing rate sa LAE. Ayun lang.
18. Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP?
Madaya ako kasi pagpasok ko, 98 kami batchmates from MaSci and we stuck together for 2 years.
Siguro blockmates ko sa Econ.
Sa UP law, marami akong friends from Econ, pero orientation pa lang chummy na kami ni Karreen! And 4 whole years of law school. Up to now.
19. First play na napanood mo sa UP?
Siyaks. Ang hirap. Marami akong plays na napanuod, pero matagal na yun. Meron si Aureus nag-direct, merong Bacchae, Waiting for Godot, marami pang iba. Favorite ko Salome.
20. Name the 5 most conyo orgs in UP
Org lang hindi sorority?
Siguro, AIESEC, JPIA, ECOSOC (uyy feeling), IBA, KEM. I'm not sure ha. Don't quote me on this.
21. Name 5 of the coolest orgs/frats/soro in UP.
I wouldn't know really. I loved OBEM and CYA a whole lot.
22. May frat/soro bang nag-recruit sa yo?
Meron.
23. Saan ka madalas mag-lunch?
Undergrad - Kamia, CASAA, Beach House (da best bbq! namiss ko tuloy), Anne's, Full House
Law - ay sosyal ang blockmates ko. Cravings, Chocolate Kiss, Trellis, basta naikot namin lahat ng malapit sa UP na restos.
24. Masaya ba sa UP?
Walang kaparam!
25. Nakasama ka na ba sa rally?
Oo, Iskolar ng Bayan, ngayon ay lumalaban...
26. Ilang beses ka bumoto sa Student Council?
Di ko alam, di ko maalala. Apathetic ako until I ran for local elections, i.e., Econ student council at LSG. Siguro maximum of 4x. Hehe.
27. Name at least 5 leftist groups in UP
Nasabi ko bang apathetic ako? Tsaka ignorante.
28. Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka?
Libre namang mangarap sabi nung teacher ko.
29. Kanino ka pinaka-patay sa UP?
dead na dead as in patay na patay? Crush, you mean? Wag na patayin na natin sa limot. :))
30. Kung di ka UP, anong school ka?
Nung undergrad, pumasa rin ako nag Ateneo (Legal Management) at PLM (Psychology).
Nung law, pumasa rin ako ng Ateneo at San Beda.
Pero UP or Nothing ang mantra namin nung high school. :)
No comments:
Post a Comment