Kinanta namin ito nung third year high school ako. III-Calvin sa Manila Science High School. Nanalo kami, Linggo ng Wika noon. Ang costume namin - white shirt at siyempre, kupas na maong! First place kami of course. Sana Calvin pa rin...
BLUE JEANS
[verse 1]
Nandidito kami ngayon
Nagsusumikap sa araw-araw
Kayod ng kayod hanggan’ sa mapagod
Maagapan ang natatanaw
Paminsan-minsan ay naglalaro
Pag-ibig lang ang di ginagawang biro
Kung sa tuksuhan lang hindi pahuhuli
Kinabukasan ay tinatabi
Paminsan-minsan ay nabibigo
Sakit sa puso ay hindi maitago
Ngunit tuloy pa rin hindi pinapansin
Ang kabuhayan ang intindihin
[verse 2]
Blue jeans
Alam mo ba ano ang ibig sabihin
Ng ating pagsisikap sa ’skwela
Blue jeans
Di na lang iwanan ang pag-aaral
At sama-sama tayong magsaya
Ngunit ang kabataan daw ay kayamanan
Huwag daw basta’t itapon at pabayaan
Kaya magsikap tayo habang may panahon pa
Mag-aral at mag-ipon tayo ng karunungan
[verse 3]
Blue jeans
Sige-sige-sige kayod sa ’skwela
At balang araw makikita n’yo
Blue jeans
Pagkatapos ng iyong paghihirap
Di ka rin makakahanap ng trabaho
Sino ba silang nagmamarunong sa buhay
Huwag sana silang makialam sa ‘king buhay
Anong kinabukasan pagkatapos sa eskwela
Huwag ng isipin at baka mangamba ka pa
[chorus]
Kay tagal-tagal ko ng nag-aaral
Tingnan mo kupas na ang aking maong, yeah!
Kung akala mo ako ay natuto na
Hindi pa rin
[repeat chorus]
[repeat verse 3]
Blue jeans
Blue jeans
Blue jeans
Blue jeans
Blue jeans
Alam mo ba ano ang ibig sabihin
Ng ating pagsisikap sa ’skwela
Blue jeans
Di na lang iwanan ang pag-aaral
At sama-sama tayong magsaya
Blue jeans
Sige-sige-sige kayod sa ’skwela
At balang araw makikita n’yo
Blue jeans
Pagkatapos ng iyong paghihirap
Di ka rin makakahanap ng trabaho
Blue jeans
Blue jeans
Blue jeans (Eto na)
Blue jeans
No comments:
Post a Comment