Hitting three birds in one stone here - posting about love in the form of a song that was written and recorded by Filipinos, which speaks of the agony of being separated from the one whom you love deeply.
Favorite itong kantahin ni Ate Lani, tinutugtog ko, pinapakinggan ni Papa. Nakakaiyak, lalo na nung sabi ng kaibigan ko naaalala naman niya rito yung yumao niyang ina.
IKAW LANG ANG MAMAHALIN
Joey Albert
(Louie Ocampo & Joey Albert)
Sa bawat pag-ikot ng ating buhay
May oras kailangan na maghiwalay
Puso’y lumaban man walang magagawa
Saan ka?
Kailan ka muling mahahagkan?
Magkulang man sa atin itong sandali
Alam ko na tayo’y magkikitang muli
Hangga’t may umaga pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin
Puso’y lumaban man walang magagawa
Saan ka?
Kailan ka muling mahahagkan?
Magkulang man sa atin itong sandali
Alam ko na tayo’y magkikitang muli
Hangga’t may umaga pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin.
Kaiba talaga ang haplos ng Tagalog, lalo na kapag tungkol sa pait at sakit ng pag-ibig ang pag-uusapan.
Hmmm, isa na lang. High school pa lang ako, alam ko nang mahusay magsulat ng titik si Ogie Alcasid. Nagasgas namin ni Glecy ang side B ng tape na ito. Nandito rin sa album na ito yung unang sumikat niyang kanta, "Nandito Ako", pero hindi siya ang sumulat nun.
Sa Kanya
ni Ogie Alcasid
Namulat ako at ngayo'y nag-iisa
Pagkatapos ng ulan
Bagama't nakalipas na ang mga sandali
Ay nagmumuni kung ako'y nagwagi
Pinipilit mang sabihin na ito'y wala sa akin
Ngunit bakit hanggang ngayon, nagdurugo pa rin
Chorus:
Sa kanya pa rin babalik sigaw, ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon alay pa rin sa kanya
At sa hatinggabi ay nag-iisa na lang
Ay minamasdan ang larawan mo
At ngayo'y bumalik nang siya'y kapiling pa
Alaala ng buong magdamag
Kung sakali man isipin na ito'y wala sa akin
Sana'y dinggin ang tinig kong nag-iisa pa rin
Repeat Chorus:
Adlib:
Ang pagmamahal at panahon alay pa rin
Sa kanya.
O, tama na. Hindi maganda yung masyadong maraming naaalala. Hindi bagay sa akin.
We'll go back to regular programming tomorrow.
No comments:
Post a Comment