Malamig ang Pasko ko, kung hindi ako Kristiyano.
Maghahanap ng Piolo sa Misa de Gallo;
Malulungkot, mababagot, sa trapik dun sa EDSA;
At sa mga regalong ako lang may pirma.
Malungkot ang Pasko ko, kung hindi ako Kristiyano.
Mangungulila sa mga kapatid na wala sa piling ko;
Makikipagsiksikan sa Greenhills at Divisioria;
Pagkakasyahin ang kakaunti kong kita.
Masaya ang Pasko ko, pagkat ako’y Kristiyano!
Hindi nagtatagal ang lungkot sa puso ko.
Pag-asa’y dala ng pagdating ng aking Mesiyas;
Buhay inialay sa’king Tagapagligtas.
Krismas party, karoling, para sa isang Kristiyano,
Malalim na kagalakan siyang dulot nito.
Hindi sa pag-inom nauuwi mga lakaran;
Ngunit sa pagbibigay at pagmamahalan.
Maraming salamat at ako ay isang Kristiyano.
Disyembre’y nakalaan sa diwa ng Pasko.
Sa pagsisimba’y umaapaw ang aking ligaya,
Pag-ibig ni Kristo, doon ko nadarama.
Aking pangungulila’y mabilis na malunasan;
Nakapagbibigay ako ng kagalakan;
Pagkat ang isip ko’y di sa sarili lamang;
Kundi kay Kristo ngayon at magpakailanman.
No comments:
Post a Comment