Nung isang gabi, pinangatawanan ko ang pagiging bum. Walang magandang palabas sa TV, nananahimik ako sa e-mail, nagtitipid sa text, at wala nang Lingkod meetings (isang buwan lang naman). What to do, what to do? Dyaraan. Naalala ko ang Magic Sing namin sa bahay.
Ayos, naisip ko, magpa-praktis ako para pag may bisita, papasikatan ko sila sa aking voice quality at walang puknat na perfect score. Patulan daw ba ang scoring! So hinanap ko ang songbook at nag-highlight ng aking favorite songs. Ella's Top Twenty, kung baga.
Habang namamalantsa si Jane at nag-Free Cell si Mama, nag-concert ako. Nung una, enjoy lang ako kumanta ng OPM - mga Joey Albert, Jam Morales, Lea Salonga at siyempre Mega Sharon Cuneta hits. Mga pang-anim na kanta na ng lumabas si Papa at nagtanong, "Anak, ano ang average score mo?" Dun ko lang nahalata na hanggang 96 lang inabot ko!
Challenge ito. Dati naman naka-100 na ako ah, nung nag-contest kami ng pamangkin kong si Luigi. Maraming nakaka-100 dito so di ako pwedeng olats. Chi-nek ko pa kung naka-professional or amateur lang ang setting. Amateur naman, bakit kaya mababa ang score ko?
Sinubukan kong sundang maigi ang kulay blue na nagtuturo kung nasan na ako sa lyrics. Eh kung minsan mali! So kinakanta ko pa rin yung sa tingin ko ang tama. Ayun, baka yon ang dahilan bakit di ako maka-score nang maayos. Minsan 91, 92, 94, 89. Line of 8!
Desperate times call for desperate measures. Lumipat ako sa foreign songs. Uminom muna ako ng isang basong tubig katulad ng ginagawa ni Lea sa concert stage. Tapos sabi ko, "Welcome to my second set."
Hmmm, Carpenters, mababa lang iyong boses ni Karen at kayang-kaya ko iyon. Naka-tatlong Carpenters na ako pero wala pa rin! Sabi ko ito na talaga, "Crazy for You". Grade Four pa lang memorized ko na iyon. Pambehera, hindi pa rin!
Sabi ko, "Diyos ko, maga-alas diyes na at kawawa na ang kapitbahay". Inilabas ko na ang aking huling alas - sapagkat sinong Pinay ang hindi makakakanta ng The Greatest Love of All? Eh mas magagaling pa tayo kumanta kay Whitney Houston! So birit ang Ella, last set ko na.
Ang aking score! "96! What a excellent singer!" sabi ng screen ng Magic Mic. Kainiiiis. By this time nasa kwarto na ang mga magulang ko. Pumasok akong bigo. Yun pala pinag-uusapan nila ako. Only daughter kasi, dahil sa iba-ibang parte na ng mundo nakatira yung apat kong kapatid (Germany, Sydney, Arizona, at New Manila), kaya ako na lang napag-uusapan nila. Paglapit ko ang sabi ni Papa, "Anak, kelan ka magco-concert ulit? Mag-imbita tayo ng mga tao." Sabay tawa silang dalawa! Ang sabi ko , "Tsaka na po! Pag puro 100 na ang score ko."
Malat ako nung gabing iyon eh. May pesteng ahem. Sa susunod pang-boyz II men na lang kakantahin ko, baka sakaling maka-100.
Amateur ka talaga, Ella. Amateur!!!
3 comments:
Wagi ka talaga sis!! Wagi!!! hahahaha! tawa kami ng tawa ni Day sa pagbasa sa blog moh! basta para sa amin ni Day dakila kang mag-aawit! amen! the Lord sings the songs of your life as well - most beautifully. we love you!
..este, "mang-aawit" dapat po opo. hehe ΓΌΓΌ di ka pala pwede mag-edit ng sarili mong comment dito 0;)
You are most kind, Amats and Day! I'm blessed to have friends like you. :) Thanks for the vote of confidence. Buti pa pag walang scoring hindi ako nape-pressure, hehe.
Post a Comment