Monday, July 04, 2005

Template Blues

Hirap talaga maging html-challenged. Gusto ko nang palitan ang template ng blog ko pero sa mga exisitng options ng blogger, wala akong mapili. Buti pa si Marlon, pogi na, magaling pa mag-layout ng blog. Kaya tuloy wagi ang anniv at lingkod QC blogs eh, dahil sa brother na ito. Siyempre Comp Sci major naman siya at ako hamak na business-econ-law graduate - mga course na walang silbi sa akin ngayong gigil na akong mag-improve ng blog. I'm sure pagkabasa ng kapatid ko nito, si Mel, maaawa siya sa akin at tutulungan niya ako ulit! Hehehe. Thanks Mel!

Weniwey, di pala nabura ng blogger ang dati kong blog, buhay pa siya! My Process of Yielding, a.k.a. "beyond-my-eyes-can-see.blogspot.com"is still up with my old template and name. Ang haba kasi kaya pinalitan ko to my name para may product recall. Tsaka nag-yield naman na ako eh. Waiting na lang. Forever waiting.

No comments: