Ang init sa Pilipinas!!! Hindi yun masarap sabihin sa Ingles.
Bakit ba taun-taon naman ang summer, pero parati akong nagugulat na andyan na siya, at bathing suit season na? At wala akong maisuot para sa office, kasi karamihan ng work outfits ko, suits na may lining! Kainis. Bago ako makarating sa office, tunaw na ang makeup ko. Kahit magkotse pa ko, may distansiya ring lalakarin at hagdan na aakyatin mula sa parking lot hanggang sa cubicle ko.
Dinaan ko na nga lang sa avatar ko sa Yahoo Messenger ang frustration ko eh. Sinubukan kong magsuot dun ng isang dangkal na shorts. Nakorek ako ng mga sisters. Hehe. Kunsabagay, sa totoong buhay di naman din ako magsusuot ng ganung outfit. Pambehera, pinalitan ko na po at balut na balot na ulit ako. Proper na ang aking attire, becoming of a BWM na ulit.
Mainit pa rin. Siyempre ongoing ang pangangarap at pagpaplano ko kung kelan ako makakapag beach. At the rate I'm going, tag-ulan na by the time makapunta ako nang matagal-tagal. Kasi kasal ng kuya ko. Pagkatapos kong maka-discount sa gown kay Mama Renee Salud para sa kasal na iyon, siyempre bawal akong magpaaraw para mabigyan ko ng hustisya ang gown! Hindi naman ako endorser ng Likas Papaya, kaya lang mabilis talaga akong tablan ng araw at matagal ma-undo ang damage. Mana kasi ako sa balat ng tatay ko e. Buti pa si Mama, maputi.
Napanuod ko sa F nung isang linggo ang pinakamasasarap na halu-halo sa Pilipinas. Razon's at Little Quiapo yung gusto kong tikman. Kaso, ang calories, hindi ko pwede patulan dahil... you guessed it right! Kailangang magkasya sa gown na design ni Mama Renee. Pagkatapos ng kasal. Grabe ang kasalan sa Pilipinas ano? Kahit di ka bride, kuntodo ang taranta mo para rito lalo na at medyo close ka sa ikakasal. Tapos mag-uuwian ang aming mga balikbayan, mga kapatid ko, pinsan, at iba pang kamaga-anaks inc. Grand production number. Masayang nakakahilo. Malamang mapapatulan na ang craving ko sa halu-halo niyan kasama sila. Walang ganyan sa States. O kung meron man, hindi kasing-sarap, I bet!
Sa kasal na ito, Mass commentator ako ulit. Halos palagi akong may role. Nasubukan ko na karamihan ng gawain - maid of honor, bridesmaid, secondary sponsor na candle cord at veil, choir, lector, commentator, choir master, at ang all time favorite na ipagawa sa akin - wedding emcee. Dahil kaibigan ko na si Mama Renee, may discount siguro ako dun pag nagkataon. May pinsan naman akong mahusay na florist dun sa Las Pinas. Siguradong may pari akong magkakasal sa akin, ay sus! Dalawa pa ata, at hindi raw ako sisingilin nung isa kasi parishioner ako. Malamang pati yung isa di na maningil no. Napakalaking tipid kung ako ang bride. Sa dami ng kasal kong napuntahan, at mga kakilala ko simula pagkabata, siguradong mura ko makukuha ang printer ng imbitasyon, ang misalette, ang choir (baka libre pa), ang strings quartet, mga singer, caterer, at kung anu-ano pang chuva.
E bakit di ka pa kinakasal? Pinapraktis ko lang ang tanong pag nakita ko ang aking kamaganaks inc. sa May 14. Iba na ang sagot ko ngayon. Di ko na sasabihing handa na ho ang lahat, pwera ang groom. Nope. May natutunan din pala ako kahit papaano nito lang dalawang taong paglilingkod ko sa Lingkod. Hindi pa ako ikakasal kasi hindi pa panahon. Ganun lang kasimple.
Ngayon, panahon ng tag-init. Mainit sa Pilipinas!
1 comment:
sis, your tagalog is kinda hoolapalooza eh? what that word means? wag mo na tanungin, di ko rin alam basta bigla ko na lang nai-type. sige na pagbigyan mo na ako, sa blogworld naman walang wrong o correct grammar e, debah? eniweis (shaks, im so jologs na ha), nakakatuwa naman ang entry mo. ako nga naging secondary sponsor na din sa mga weddings ng mga pinsan ko at mga kaibigan pero isa lang din ang tanong sa akin "kelan ka ikakasal?". at ang malimit ko naman sagot, "hindi pa ako handa". malamang ako ang magkakasal, hindi ako ang ikakasal. yaaaay!
sana matuloy na yung plano mong mag-beach. tanong ko lang, pwede daw paliguan yung sa manila bay? :)
chard
Post a Comment