Saturday, August 27, 2005

Sana Pink ang Mundo

Medyo hindi ko yata naitago ang aking pagkainis nang huli akong magsulat dito. Naniniwala ako sa lyrics ng kantang "One More Gift", for the confusions around are mere reflections of what's within me. Nakikita ko lang naman ang mga problema ng bayan kapag naghihimagsik ang aking kalooban. Pag minsan namang masaya ako o may kinatutuwaan, ay parang PINK ang mundo. Rose-colored. Parang Ariel na may Downy, one of my favorite scents, mahilig kasi ako sa amoy ng bagong-labang damit (at idadagdag ko na rin na mahilig akong maglaba, lalo na ngayong may washing machine na sa mundo). Diba pink pa nga ang fabric softener particles sa Ariel na may Downy? Pink ang paborito kong kulay.

Bagamat hindi pa rin pink ang mundo ko ngayon (advertisement yata ng alak yun, pero may winning cheer kami dati sa NLTC Iloilo dahil sa ad na iyon, naging wholesome siya), at least hindi ko na masyadong dinidibdib ang mga bagay na wala naman akong magagawa sa ngayon. Mahirap din naman kasi ang masyadong kulay-rosas ang tingin ko sa kapaligiran, dun ako natitisod at nadadapa. Masarap ngang maging hunghang, pero pag nagising ka naman sa katotohanan, makikita mong malapit ka na palang pulutin sa kangkungan.

Si Henri Nouwen may sinulat na nagpaalala sa akin kung ano ang talagang pinaniniwalaan ko eh, kung wala akong hormonal imbalance, tinik sa dibdib, at matinding isyu sa buhay. Sabi niya (sorry di ko maisalin sa Tagalog, patawad po Gat Jose Rizal at Pres. Quezon, ang ama ng wikang Pilipino):


Love and the Pain of Leaving

"Every time we make the decision to love someone, we open ourselves to great suffering, because those we most love cause us not only great joy but also great pain. The greatest pain comes from leaving. When the child leaves home, when the husband or wife leaves for a long period of time or for good, when the beloved friend departs to another country or dies ... the pain of the leaving can tear us apart.

"Still, if we want to avoid the suffering of leaving, we will never experience the joy of loving. And love is stronger than fear, life stronger than death, hope stronger than despair. We have to trust that the risk of loving is always worth taking."


Hay totoo ka diyan Fr. Henri. Kakatakot, kakapagod, pero ang magmahal naman talaga ang pinakaimportanteng utos ng Diyos. Kung kaya't kahit na mahirap, siya siya. Magmamahal pa rin. Bagay naman sa akin talaga ang pink e.


No comments: