Mga kababayan ko, kailangan ba talaga nating magtulakan? Wala talaga tayo konsepto ng personal space ano? Mahilig tayo magsiksikan kaya malala ang trapik sa mga kalye natin. Sa MRT, nakuuuu mapapadasal ka namang talaga dahil sa sikip at sa gitgitan, mula sa pila hanggang sa tren. Namaaaannn... Di naman magsasara ang pinto (generally) ng MRT hangga't di nakakapasok lahat. Yun nga lang, unahan sa upuan. Haay madalas tuloy papasok pa lang tayo, mainit na ulo natin, gusot na ang damit, at magulo na ang buhok. Nakaka-harrass naman ang gantong buhay.
Pag Linggo naman, ang lagi kong tanong, bakit kailangang magtulakan sa pagpila sa communion??????? tapos sasabihin natin "Amen" sa "Body and Blood of Christ". Kontradiksyon talaga at pati akong nasisiksik at natutulak sa pila, nacha-challenge na wag magkasala sa mismong oras na iyon na tatanggap ako ng komunyon.
Dapat isalin sa Tagalog ang Hope for the Flowers.
No comments:
Post a Comment