Kay Kristo Buong Buhay, Habambuhay
On the occasion of CYA’s 25th anniversary
Waring batingaw nang unang marinig
Ang tawag ng iyong Pag-ibig.
Ako’y tumakbo sa iyong mga bisig,
Puso’y nahaplos ng iyong tinig.
Kristo, buong buhay
Ipinangako ko
Kay Kristo lamang ako
Habambuhay maghihintay.
Sa paglalim ng ating pagkakakilala.
Paglilingkod di ko ininda.
Di nakaramdam ng pagod at luha.
Mga kapatid sa Iyo, kapiling sa saya.
Kristo, buong buhay
Ang siyang panata ko.
Kay Kristo lamang ako
Humihimlay, habambuhay.
Nagtapos ng kolehiyo sa tulong mo
Hinanap mga pangarap sa malaking mundo.
Iadya sa masama, panalangin ko
Ngunit sa kahinaan ay nadapa ako.
Kristo, itong buhay
Na ipinangako ko,
Bakit tila kay hikli,
Habambuhay ko ba’y sandali?
Sa gitna ng aking pakikisayaw,
Mga luha’y pumatak sa pagsunod sa layaw.
Narinig muli ang Iyong tinig
Nadama ang naghihintay Mong pag-ibig.
O Kristo, ako’y Iyo
Buong Buhay na ito.
Kay Kristo hindi ako
Mawawalay, Habambuhay.
Kristo, buong buhay
Ipinangako ko
Kay Kristo lamang ako
Habambuhay, maghihintay.
-- Ella del Rosario; UP Diliman CYA 1993-1995
1 comment:
Just like to say that this song is really beautiful. It speaks of what CYA is. I saw this posted on the yahoogroups. I honor you, Sister, for using your God-given talent to create such a beautiful song.
God bless!
Post a Comment