“Ang Disyembre ko ay malungkot
Pagkat miss kita
Ano man ang pilit kong magsaya
Miss kita kung Christmas…”
… Sa akin po iniaalay ang kantang iyan! Sapagkat ako ang aalis. At kaya malamig kasi Winter dun sa bansang pupuntahan ko. Jacket lang ang katapat nun. Tsaka yung tinatawag na layering. Ano’ng akala niyo, nagdadrama ako sa blog ko? Hindi no!
Aalis na kami ng parents sa darating na Linggo ng gabi. Marami akong mami-miss. Pinakamahaba ang Pasko sa Pilipinas. Pagkatapos lang ng Halloween, bumenta na ang Christmas decors. September 1 pa nga lang, puro Christmas songs na sa radio. Mga walang kamatayang “Pasko na, Sinta ko” at “Christmas in our Hearts” ang pinapatugtog.
Simbang gabi! Hindi na naman ako makakakumpleto ng “Nine Mornings”. Buti na lang all-year round may puto bumbong sa Don Antonio kaya hindi ko iyon mami-miss ngayong Disyembre.
Nalulungkot ako nang konti pag naiisip ko lahat ng Christmas parties at exchange gift na mami-miss ko. Pero konti lang, hehe. Sa Lingkod Office, Lingkod QC, grade school barkada, high school barkada, etc. Regalo ko na lang sa inyo ang ireregalo niyo sa akin. :) At least dalawang kaibigan ko ang ikakasal na hindi ko mapupuntahan, at isang pinsan ko. Hi Myra! Patawarin mo ako cuz. Advanced Happy Birthday! Disyembre, palibhasa balikbayan season, paboritong magpakasal ng mga Pilipino. Mas marami pang kinakasal nito kesa June. Yun ngang mga dadalawin naming kamag-anak sa L.A., mag-uuwian after Christmas para mag-attend ng kasal sa Pilipinas.
Ilan na nga ba ang inaanak ko?
- Kiko na anak ni Tito Noel;
- Clarisse na anak ni Cyrill;
- Renshi na anak ni Lorie;
- Luigi na anak ni Lourie (magkaiba po silang friend, di ako nagka-typo);
- Red na anak ni Philip;
- Miguel na anak ni Cindy (tama kaya spelling?);
- Kaila na anak ni Carla;
- Hannah na anak ni Lilet;
- MarD na anak ni Anne;
- Jiro na anak ni Yvesi…
Pinakamami-miss ko ang caroling. Ilang taon ko nang kinareer ang pagtuturo ng caroling sa Lingkod QTs. This year may bagong mga kanta, “Call His Name Jesus” tsaka “One Small Child” dagdag sa repertoire. Nakakatuwa sila pakinggan nung practice. Imagine ko na lang ang kanilang PL (Performance Level). Sing from the heart, mga kapatid! Paki-video, at pag nahuli kong bungisngis si Nik, lagot siya sakin. :)
Pangalawang Pasko ko itong malayo sa Pilipinas, ngunit pinakamalamig na madaranas. Summer sa Sydney nung nag-Pasko ako dun dati kaya 'di ako masyadong gininaw. Wala akong magagawa kundi harapin ang katotohanan, at ang malamig na hinaharap.
Matagal-tagal din akong mawawala. Pagbalik ko, sa Pilipinas naman yata tag-lamig. Sana masanay ako sa lamig-Amerika para pagdating ko sa Manila, deadma. Ice Queen.
Ang drama.
2 comments:
Hi Ella,
God bless you trip sis! Ingat lagi at magdala ng maraming panlamig :O) siguradong malamig dun.
Congratulations to your sister Mel!
Enjoy your vacation!
labs,
Day and Amats
Kapatid, enjoy sa bakasyon ^__^
dalhan mo na lang kami ng snow dito :D
Post a Comment