Ang alam ko lahat ng tito, tita, nanay, tatay, lolo, at lola, proud na proud sa kanilang mga pamangkin, anak, o apo. Nung baby pa yung unang pamangkin ko sa kapatid, si Luigi (8 years old, photo below), kahit anong gawin niya manghang-mangha kami.
"Wow, marunong na siyang mag-close-open ng mata. Advanced child yan."
"Mahusay kumanta ang baby! Gifted talaga!"
"Naka-memorize ng isang buong libro ni Winnie the Pooh. Promil Kid na ito."
Ganyan kami every weekend, panonoorin lang namin si Luigi sa crib niya, papakinggan kumanta, at pagmamasdan ang mga drawing niya.
Dalawa na ang pamangkin ko mula nung pinanganak si Miko (6 years old, photo above). Ibang klase naman itong si Miko. Kaya kaming paikutin lahat! Wa-is ang mokong. Palibhasa alam niyang cute siya, at laging pagbibigyan. Dinadaan kami sa pa-cute. Ayaw kumain, magpractice ng piano, magbasa, gusto puro laro. Pero lumalabas din ang talino at talento. At siyempre, gwapo! (Tita yata ito.)
Susubukan kong magsulat ng walang bias, kahit alam kong hindi kayo maniniwalang objective ako. Yung dalawang bata, magaling kumanta pareho, magaling mag-piano (kagila-gilalas ang mga kayang tugtugin ng maliliit nilang daliri - pang-recital kasi teacher si Lola), marunong mag-drums, mag-drawing, mag-painting, atbp. Pilipit ang dila mag-Pilipino kasi kakanuod ng Ingles na Cartoon Network at iba pang channels sa cable, pero mataas ang grades nila sa mga ibang subject.
Siyempre nag-aagawan kami kung kanino nagmana ng talino, talento at pagka-gwapo ang dalawang bugoy. Sumusulat sila ng libro (comic book form), si Luigi may original na kwento na, si Miko iginawa ako ng adaptation ng pelikulang "Ella Enchanted" na paborito naming dalawa. May original compositions din si Luigi - music ha! At kaya niyang isulat ang notation (mga nota - do re mi etc.). Mahaba pa ang listahan nito, pero itong huling kwentong ikukuwento ko, nagpatunay na may konting objectivity pag sinabi kong mahusay ang mga batang ito.
Nagpabili sila ng MindStorms Lego sa mga ninong at ninang nila (Kuya Ric at Ate Lani, sa tulong ni Mel). Itong Lego na ito, pang 12 years old and above daw. Si Luigi, 8 years old pa lang. May programming para makabuo ng Lego at may robotics involved, at nuknukan ng ka-high-tech-an ang laruan. Ni ako hindi ko maintindihan paano ginagawa. May program sa computer na ginagamit. Ibang level na ito! Programming at robotics! Nung bata ako, Fabuland lang ang Lego ko, may maliit na bahay at mga bulaklak na pinagdidikit-dikit ko lang.
Kanina dumalaw ako kay Luigi. Pinakita niya ang iba pang kaya niyang gawin sa Mindstorms Lego niya. Si Miko, di kasing-tiyaga magbuo ng kung anu-anong robot, gusto niya buo na ni Kuya tapos paglalaruan na lang nila. Kakamangha. Parang high school ang kausap ko pag nagpapaliwanag si Luigi ng Lego niya. Tapos, sa suggestion ni Miko, kinantahan nila ako ng duet, di ko maalala ang title pero may lyrics na "I Will Play With Jesus".
First Communion ni Luigi next week. Nakikisali si Miko sa mga catechesis at bagong kanta na inaaral ni Luigi. Sana bukod sa matalino at mahusay, maging mabait din ang mga batang ito paglaki. Yung gagamitin ang gifts nila para sa Diyos, para sa kapwa, para sa bayan. Yan ang dasal ko para kay Miko da Guwapo at Luigi da Pogi. Na sige na nga, malamang ay nagmana sa kanilang mga magulang.
Ako'y isang hamak na tita lamang. :)
2 comments:
WOW! Ang gagaling ng mga pamangkin mo... Mga pogi pa! :) ;)
Isa ka pang biased! Palibhasa ikaw ang proud Mommy nila! :D
Post a Comment